October 24 - Naganap ang aming DRRM. Maraming activities ang naganap tulad na lamang ng pagdidicuss ng concepts about disaster, hazards, risk, risk reductions, capacities, vulnerabilities, participatory management of disasters or bibingka approach atbp. Madami akong natutunan dito dahil ito'y ay ang nagmulat sakin na dapat laging maging handa sa anumang oras. Ilan sa mga nagawa namin ay ang mga sumusunod na litrato:
Pinakita namin ang aming mga lokasyon at ang mga posibleng prone na area para sa disasters (PCVA). Lumabas na halos malapit sa central luzon ang binabaha lalo na ang Maynila. Napagtanto namin na dapat ayusin na ang mga gantong problema dahil hindi na ito nakakaganda sa ating paligid at kung napapansin na natin ito, dapat aksyunan at wag nang hayaan.
Gumawa kami ng mapa at minarkahan namin ang mga lugar kung saan kami tumutuloy.
Natutunan ko rin makihalubilo sa ibang tao upang mas mapabilis namin ang pagiging handa sa anumang sakunang darating. Nagsagawa kami ng activity na tinatawag na "Bahay-Tao-Bagyo" kung saan tinuturo dito ang pagiging alerto at pagiging mapanuri kung ano ang may problema at ano ang dapat ayusin.
Litrato ng aming palaro.
Marami pa ang naituro sakin ng seminar na ito. Hindi lang sa pagiging alerto kung hindi sa pagiging palakaibigan dahil isa itong factor na nakakatulong upang mas maganda ang maging resulta kung gagawa ng aksyon sa mga problemang kinahaharap natin ngayon. Nagsagawa din kami ng demo ukol sa first aid at basic life support. Ilan sa mga ito ay makikita sa mga sumusunod na litrato:
Ang aming instructor ay nagsasagawa ng basic life support ito ay ang pagbigay daan sa paghinga ng baga.
Ito ang halimbawa ng paggawa ng stretcher kung kinakailangan at kakaunti lamang ang materyales na magagamit. Hindi lamang itong mga gamit na ito ang pwede sa paggawa ng stretcher dahil madami din mga bagay na pwede dito.
Ang aking kagrupo ang nagsasagawa ng basic life support at pagkatapos ay susundan ng paggawa ng first aid sa biktama.
Ako ay nagsasagawa ng first aid sa binti ng aking kagrupo. Dito pinapakita ang tamang paglagay ng mga kakailanganin mga bagay sa paggamot ng injury.
Nilagay namin ang aming kagrupo sa isang stretcher. Dito nakikita ang tamang paglagay ng isang biktima sa stretcher.
Litrato
Litrato
Kailangan natin maging laging handa. Tulad na lamang ng pagbbigay pansin sa mga issue ng disaster sa ating bansa. Minsa'y di natin binibigyan ng pansin dahil hindi naman tayo naaapektuhan nito. Dapat kahit hindi ka naaapektuhan nito, dapat ka parin tumulong dahil kapwa kababayan mo din ang nahihirapan at nasa iisang lupa lang din naman ang tinatayuan ninyo.
Ako ay pumunta sa isang barangay. Matatagpuan ito sa Bambang St. Manila. Ininterview ko ang chairman doon at tinanong ko ang ilang mga bagay ukol sa DRRM sa kanilang lugar o kanyang nasasakupan. Ang pangalan nya ay Maridol Bautista ng Barangay 319 zone 32. Siya ay 58 years old na at walong taon na namamahala sa kanilang lugar.
Litrato ng aking sinagawang interview.
Sabi niya: "Pag may announcement through social media or ung mga tao ko may masasagap na balita, naghahanda kami agad tulad nalang na lagi kaming ready sa mga equipments in time of calamity. saka dapat always ready.". Namangha ako sa mga sinabi ng chairman dahil nung bumisita ako sa kanilang lugar ay akala ko hindi sila handa pero dapat pala ay suriin mo ng mabuti upang mapansin ang kanilang mga ginagawa.
Tinanong ko naman siya kung may mga proyekto na silang nagawa o sobrang laki ng naidulot nitong pagbabago sa kanilang lugar. Sabi niya: "Nagsagawa kami ng earthquake drill at nakipagpartner sila sa MMDA upang mas maging maganda ang kalalabasan ng kanilang proyekto." at sabi pa niya: "Dapat maging aware sa mga calamities na pwedeng mangyari. take the necessary actions." Sa mga ilang naitanong ko, naging maganda ang aming interview. Dapat daw ay laging alert o "Everytime is the best time and always be curious at anything" sabi din niya.
Ang dapat mamahala sa mga ganyan na bagay ay sabi nya na siya mismo at ang kanyang mga constituents. Siya ang laging nangunguna sa mga ganitong proyekto at hindi niya hinahayaan na mabalewala ang kanilang mga ginawa. To summarize up everything, Lagi dapat na alam kung may disaster na parating at magready na agad. Maghanap ng mga ligtas na areas tulad na lamang pag may earthquake, ang kanilang barangay ay napunta sa UST dahil ito ay may malawak na kapaligiran. kapag baha naman daw ay nacocontrol nila ito ng maayos.
No comments:
Post a Comment